TODAY PESO LUCKY PLAZA RATE

Latest Philippines News

Latest Singapore News

Monday, November 17, 2008

Mga TIPS at Checklist sa Ma Tour sa SINGAPORE

Eto ang mga simpleng TIPS at Checklist sa araw ng Inyong Pag alis patungong sa Singapore.

1. Bago ka pumunta sa Airport ay tiyaking nakahanda lahat ang iyong mga kailangan, Pasport, plane ticket, damit , camera , ballpen etc. (Wag nang magdala ng mga hindi na masyadong kailangan, Tandaan mo mag Tour ka lng sa SINGAPORE hindi maninirahan.)

 2. Siguraduhing basahin ang mga limitasyon mo sa pagsakay sa Eroplano kung ilang kilo ang Check In luggage mo at Hand Carry. May mga bagay na hindi pwedeng i-Handcarry . Tingnan sa Pahinang ito(Click Here) at hanggat maari ay pumunta ng maaga sa paliparin para maiwasan ang aberya, at 2 Oras bago ang flight mo ay nasa paliparan ka na.

3. Pagdating sa paliparan ay mayroon kang kailangan bayaran, ito ay ang TRAVEL TAX(PHP 1620) at TERMINAL FEE (600). Dependeang presyo ng TRAVEL TAX at TERMINAL FEE kung saan kayong Paliparan maggagaling at anong klase ng paglipad ang inyong sasakyan.

4. Ihanda ang mga isasagot mo sa IMMIGRATION OFFICER, dahil sa ikaw ay Mag TOUR lang wala kang dapat ipag alala hanggang maari kung ano lang ang tanong sayo iyun lang ang sagutin mo. (Kung maari ay manamit ng maayos at maging confident sa pagsagot sa mga tanong ng IO.)

5. Ngayong nakalusot ka nasa BIDANG IMMIGRATIONG OFFICER, ay maging alisto sa pag announce ng Flight na sasakyan mo at baka maiwanan ka, Intayin ang Pag “BOARDING” ng eroplanong sasakyan mo, suguraduhing tama ang eroplanong iyong sasakyan baka kung saan ka mapadpad J. Relax ka lang.

6. Sa pag “BOARD” sa eroplano ay wag makipag unahan at pumila ng maayos, Mayroon ka nang “SEAT NUMBER” sa “BOARDING PASS” mo at hindi ka mauubusan ng upuuan. Magbigay daan sa mga nakatatanda at may kasamang mga bata. Ilagay ang yong hand carry sa taas na compartment, Maupo sa iyong “SEAT NUMBER” at ikabit ang iyong Sinturong pagkaligtasan.

7. Habang ikaw ay naghihintay sa paglipad, Maari mong basahin ang mga patakaran sa loob ng eroplano, I OFF mo na ang iyong Cellphone ( wag matigas ang ulo, tama na ang pag text, alam na nila na pupunta ka ng SINGAPORE) , Pakinggan ang mga sinasabi ng mga “FLIGHT STEWARDESS” para alam mo ang mga dapat gawin habang nasa loob ng Eroplano.

8. Dumating na tayo sa iyong pinakahihintay, papalipad na ang iyong eroplanong sasakyan, wag mong kalilimutang fill up ang “DIS EMBARKATION CARD”  ng Singapore na ibibigay sayo ng mga Stewardess. Kita kits tayo sa SINGAPORE.
    Download our free toolbar here

    World Asia News

    World U.S News