SOURCE: ABANTE
Kung hindi ka nakaporma sa paambon-ambon na 20 suntok kada round, paano pa kaya kung bagyuhin ka ng 120 humahaginit na pitik ng kamao sa loob ng tatlong minuto?
Download our free toolbar here
Kung hindi ka nakaporma sa paambon-ambon na 20 suntok kada round, paano pa kaya kung bagyuhin ka ng 120 humahaginit na pitik ng kamao sa loob ng tatlong minuto?
Ito ang naging patama ng conditioning coach ni pound-for-pound king at eight division champion Manny Pacquiao na si Alex Ariza sa makakalaban ng Pinoy ring icon na si Shane Mosley.
Nakatakdang magtagpo ang dalawa sa Mayo 7 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas para sa pagtatanggol ni Pacquiao sa tangang WBO welterweight title.
Sa huling laban ng 39-anyos na si Mosley noong Mayo 2010, ginawa lamang siyang punching bag ng kontrobersyal na dating pound-for-pound king na si Floyd Mayweather Jr. bago tuluyang makatikim ng unanimous decision loss.
“To me, it boils down to, if you can’t handle a guy who throws twenty punches a round like Mayweather, how are you going to handle a guy who throws 120 punches a round? I mean, it’s pretty academic isn’t it? If you can’t condition yourself for a guy like Mayweather how are you going to get ready for a guy like Pacquiao?” pasaring ni Ariza kay Mosley (46 wins, 1 draw, 1 loss, 1 no contest, 39 KOs).
Sariwa pa ang 32-anyos na Pambansang Kamao (52-3-2, 38 Kos) at kasalukuyang Sarangani congressman sa matagumpay na unanimous decision win laban kay Mexican Antonio Margarito noong Nobyembre para sa bakanteng WBC superwelterweight title.
Sinabi ni Ariza na malaking rason din siguro kung bakit tinanggap ni Pacquiao ang laban ay para manatili ito sa bansa at magampanan ang kanyang papel bilang kongresista.
“I think a big reason to take a fight like this is so that Manny can stay in the Philippines. So he can take care of his congressional duties,” aniya pa.
“Manny has never not taken anybody serious but there are some guys you just take more serious than others.”