SOURCE: ABSCBN NEWS
Agad sinundo ng NBI Human Trafficking Division si alyas “Raiza” sa Singapore matapos tumakas sa pinagta-trabahuhang club doon.
Sa Pilipinas sinalubong si Raiza ng IACAT o Inter-Agency Council Against Trafficking in Persons.
“Nagdesisyon akong tumakas kasi di ko na kaya. Nakakadiri ang mga makikita mo,” sabi ni Raiza.
Kuwento niya, tourist visa lang ang hawak niya nang dumating sa Singapore.
Nahikayat kasi siya ng isang kaibigang magtrabaho bilang entertainer sa isa sa mga club sa Orchard Road, ang financial district ng Singapore.
Pero nagulat daw siya nang malamang pwede pala silang i-take-out ng mga kostumer. Nakakandado pa ang kanilang tinutuluyan.
“Inilalabas talaga ang mga babae. Doon pa lang sa loob ng pub, kung anu-ano na ang ginagawa nila on the side,” sabi ni Raiza.
Kaya nang magkaroon ng pagkakataon, agad tumakas si Raiza.
“Noong din-rop nila kami sa Orchard, naiwan ako sa elevator. Tumakbo na ako,” kuwento ni Raiza.
May mga sabi-sabi nang talamak din ang prostitusyon sa mga Pinay sa Singapore pero ngayon lang nagkaroon ng pruweba ang gobyerno sa pagkakatakas ni Raiza.
Kaya para sa IACAT, panahon na para busisiing mabuti ang kalagayan ng mga Pinay sa Singapore.
“We didn't expect this, not in Singapore. I hope that this will be an eye-opener for the government,” sabi ni Undersecretary Jose Vicente Salazar, Head ng IACAT.
Hinihimok din ngayon ng IACAT ang iba pang Pinay na naging biktima roon ng prostitusyon na lumantad at makipagtulungan nang masagip ang iba pang mga Pinay. Maan Macapagal, Patrol ng Pilipino
Download our free toolbar here