Ang lahat ng nakasulat dito ay ayun lang sa lahat ng pangyayari at naranasan ng nagsulat nito. Hindi natin layunin na “SIRAAN O IPAHIYA” ang lahat ng “PANGALAN” ng mga mababangit. Kami po ay nanghihingi ng paumanhin sa mga “PANGALANG MABABANGIT”. Alam po naming ginagawa lang nila ang kanilang “TUNGKULIN O TRABAHO”. Bukas po ang inyong lingkod na “TANGGALIN O ALISIN” ang mga “PANGALANG MABABANGIT” kung sila mismo ang magrerequest na tanggalin ang kanilang Pangalan. Iniuulit ko “HUMIHINGI PO KAMI NG PASENSYA AT DISPENSYA SA MGA PANGALAN NG TAONG MABABANGIT.
Gusto po namin magkaroon kayo ng idea kung ano ang mga pangyayaring nagaganap kung kayo ay lalabas sa Pilipinas. Sana po ang Salaysay na ito ay makatulong sa ating lahat na “NAPERWISYO O MAPEPERWISYO PA” tuwing kayo ay lalabas sa ating “PINAKAMAMAHAL NA BANSANG PILIPINAS”.
ANG SALAYSAY:
MGA KARAKTER: “AKO” (Permanent Resident),BAYAW(Tourist), Immigration Officer “NGO” “BIDANG IMMIGRATION OFFICER”, “DSWD INCHARGE”, “ISA PANG BIDA”
Iniaabot ko ang dalawa naming “PASSPORT” . Sa “AKIN” at sa “BAYAW” ko.
NGO: (Chinecheck ang lahat ng document, passpost, travel tax, Return Ticket(July 31 2011-Aug 4 2011)
Binigay sakin ang Passport ko at lahat ng ticket. Naiwan ang passport ni Bayaw.
Tiningnan ni “NGO” ang Passport ni bayaw at seryoso ang mukha. Kinuha uli ang return ticket ni bayaw at ibinigay sa isang babaeng Immigration Officer din yata.(Di ko nakuha ang pangalan) .
NGO: Paki – Assist (Sabay bigay sa yatang babaeng IO)
Babaeng IO : Sir pakihintay nyo na lang po sya dun may Fill- Upan lang si “BAYAW” ng Form tapos po susunod na siya sa Inyo.
Iniwan ko si BAYAW sa pwesto ng “Bureau of Immigration”. Hindi daw po kasi pwedeng mag stay sa lugar na yun ang mga na-“CLEAR na”. Kaya no choice ako hehehe. Pumunta ko sa waiting Area.
Nung nag iintay ako sa waiting area nainip ako , pumuslit ako at pinuntahan ko si bayaw at tinulungan kong mag Fill-Up ng Form.
Ang mga nakalagay sa Form ayon lang sa aking nakita ay:
Kung sino gumastos sa pag travel mo. Magkano ginastos mo sa pag travel mo. Magkano dala mong Pera. Sino ang pupuntahan mo dun, Ano relasyon mo sa pupuntahan mo. Ilang araw ka sa pupuntahan mo. Saan ka titira? At Pirma.
Pagkatapos Fill-UP ni Bayaw ang Form. Ibinigay uli ang form at Intayin daw ang kanyang interview(parang naghahanap lang ng trabaho hehehe)
Nakita ako ng Immigration Officer(hindi ko nakuha ang pangalan nito at ito ang pinaka Pogi at BIDA sa lahat ng Karakter)
BIDANG OFFICER: “Tapos ka na?!! Dun na kayo maghintay!(suplado ang dating bida kasi eh)
Syempre ako naman sumunod sa bida at bumalik sa “Waiting Area”. Takot ako eh hihihi
Pero tanaw ko pa rin na iniinterview si “Bayaw”.
(Pagkalipas ng mga 10-15mins na interview, Magsisimula na ang Climax ng salaysay)
Ibinigay ni Bidang Immigration Officer ang lahat ng dokumento ni “BAYAW” sa “DSWD SECTION”
(Nagduda na ko at nagmakulit na naman ako at pinuntahan ko na ang “BAYAW” ko sa Dswd section at dun ko nalaman ang “NAPAKAGANDANG BALITA” na hindi siya makakasama sakin at tinuturuan na siya kung paano nya marerefund ang kanyang mga binayarang “TRAVEL TAX at TERMINAL FEE nahindi ko alam kung saan napupunta at kung para saan ang mga FEES na ito. Kung meron pong nakakaalam sa inyo, paki share naman po sakin, hihihi)
Babaeng incharge sa “DSWD SECTION”: “Hindi po makakaalis ang “BAYAW” nyo kasi po base sa Assessment ni “BIDANG IMMIGRATION OFFICER” walang kakayahan ang bayaw ko na makagpagtravel” kasi daw po wala daw po siyang “Trabaho at di nya kayang suportahan ng sarili nya ang Pagtatravel .
AKO: Ganon po ba. Ano po ba ang mga Requirements O may Stardard na procedure po ba para masiguradong makakaalis ang mga Pilipinong gustong mag”TOUR” sa ibang bansa?
DSWD: “Meron po ang kaso po Depende pa rin sa assessment ng mga IO. Tulad po ng Bayaw nyo hindi pala kayo masyadong kilala(Sa isip ko lang (Hello bayaw ko nga yan panong hindi ako makikilala)at wala daw po siyang kakayahan mag-“TOUR” kasi wala po siyang trabaho(So ibig sabihin pala kapag wala kang trabaho hindi ka pwedeng mag-“TOUR” kahit yung mga batang “milyonaryo sa pilipinas hindi din sila pwedeng mag-TOUR kasi wala din silang trabaho. Para po sa inyo pong kaalaman ang “BAYAW” ko ay hindi pa nakakatapos ng College kasi ayaw nyang mag-aral so hindi talaga siya makakahanap ng trabaho sa bansang aming pupuntahan, 19 years Old lang siya. At kung idadahilan naman ng IO sa akin ay ang “Human trafficking” eh bayaw ko nga yung kasama ko, bakit ko naman ipapahamak ang bayaw ko. Hay buhay.
AKO: Ano po ba kulang na Requirements ng Bayaw ko? (Meron po siyang Cash on Hand= $SGD 700, Round Trip ticket: July 31 2011-Aug 4, Invitation Letter: Personal Appearance na nga po ako eh at kung kukuha po kayo ng “AUTHENTICATED INVITATION LETTER sa PHI Embassy sa Singapore Price: SGD 42.50 nakalagay po dun na ikaw ang may responsibilidad at gagastosin ng iniimbitahan mo.)
AKO: “Kumpleto naman po ang lahat ng Requirements ng bayaw ko. So ibig sabihin po wala kayong “STANDARD REQUIREMENTS OR PROCEDURE” para siguradong makakaalis ang mga PILIPINONG gustong MAG- TOUR sa ibang bansa. Para pong tinatanggalan nyo po ng karapatan ang bawat Pilipino na makapag”TOUR sa IBANG BANSA”. Kukunin ko na lang po ang “Pangalan nyo” (Hindi ko na po ilalagay dito ang pangalan nya kasi po maayos naman po siyang makipag-usap at nakalimutan ko din. +1 siya sakin)
DSWD: “Hindi nyo po ako naiintindihan kahit po meron kayo ng lahat ng requirements depende pa rin po yan sa assessment ng “IMMIGRATION OFFICER”, “Sila na lang po ang kausapin ninyo.
AKO: Salmat po.
Eton a ang CLIMAX hehehe. Exiting, Nakita ko ang “BIDANG IMMIGRATION OFFICER” na naglalakad at papunta sa mga check in counter sinundan ko siya at inakbayan(hehehe syempre para tropa kami)
AKO:( Inakbayan ko siya)“Boss baka naman po pwedeng palusutin niyo na po bayaw ko(Hindi ako pinansin at hindi man lang ako tiningnan sa mata, derederetso sa paglakad na parang walang umakbay at kumausap sa kanya)
“Boss kukunin ko na lang po ang pangalan nyo siguro naman po karapatan kong malaman at pangalan nyo”(Bingi yata talaga at walang pakiramdam si BIDANG IMMIGRATION OFFICER) hanggang hinarang na ko ng security Guard at ang sabi” Ganyan talaga mga yan at wala na po kayong magagawa, hindi na po kayo pwedeng lumagpas dito”
Bumalik ako sa DSWD Tinanong ko ang Incharge kung kilala nya si “BIDANG IMMIGRATION OFFICER” ang sabi nya po sa akin ay hindi nya raw po sakop yun at hindi nya pwedeng ibigay sakin ang Pangalan ng “BIDA”. Kung gusto ko daw po kausapin ko sila O yung mga ibang IMMIGRATION OFFICER.
Lumapit ako sa mga mesa kung saan nakaupo ang mga “IO” ngunit wala ng tao dun, Lahat sila ay nag si alis na.
Pero sinuswerte talaga ko. May nakita kong Mga pangalan sa Table ng mga “IO” na
“SUPERVISOR INCHARGE”
Eto po ang mga pangalan nila:
1. MANUEL GARCIA
2.ROSARIO URIARTE
Pero hindi po ako sigurado kung sino ang mga taong iyan ang alam ko lang ay “SUPERVISOR INCHARGE” sila base sa nakasulat sa papel na nakita ko.
Hindi ko din po sinasabing isa dyan si “BIDANG IMMIGRATION OFFICER”
Maaaring ang mga “Pangalan na iyan ay mga Mabubuting mga Immigration Officer”
Hindi ko din pong Intensyon na “SIRAAN ang mga Pangalang Iyan”
Katulad po ng Sinabi sa Umpisa ng salaysay na ito, bukas po kami na tanggalin ang mga pangalan na iyan kung ipagbibigay alam nyo po sa amin...
Matapos kong kuhanin ang mga pangalang nabanggit, nilapitan po ako ng isa pa nating “BIDA”
Isa po siyang Empleyado ng eroplanong sasakyan ko. Sinasabi nya po sakin na boarding na at baka maiwan na daw ako ng eroplano.
Ako naman po ay inaasikaso ko muna kung paano ko mapapasundo sa Airport ang Bayaw ko kasi po ay ibinaba lang po nila kami sa Airport.Kaya hindi ko pa sya muna napapansin O napakinggan. (Syempre po siguro kung kayo nasa kalagayan ko, aburidong aburido na rin kayo at di nyo na alam ang nararamdaman nyo sa sobrang inis at galit at perwisyo na naidulot sakin, Pero sa kabila po ng lahat ng pangyayaring iyon ay nagawa kong maging mahinahaon sa pakikipag usap ko sa lahat ng aking nakausap. Kaya po wala po akong inaway o pinagtaasan ng boses.)
Ngunit ganito po ang nangyari. Siguro po nakulitan sa akin ang isa pang “BIDA”dahil sa hindi ko pagpansin sa kanya(uy suplado epek ako, dahil nga po inaasikaso ko pa yung pagpapasundo sa bayaw, eh wala naman akong load na pantawag, “Free txt lang, hehehe) at nag simula na siyang sumimangot at halata mo sa itsura nya na inis na siya at medyo lumalakas na ang kanyang boses.
Pinalagpas ko muna ang kanyang pagtataas ng boses...
Eto ang aking moment hehehe:
Iniabot ko ang aking Passport at Boarding Pass sa isa pa nating ”BIDA” at kita ko pa rin ang inis sa kanyang mukha.
Tinanong ko siya:
AKO:” Galit ka ba?(Oi suplado epek pero mahinahon ang pagkakasabi ko pero seryoso ang mukha ko)Lumalakas na kasi ang boses mo eh, Parang sinisigawan mo na ko. Ang ayos ayos ng pakikipag usap ko sayo tapos ganyan ka.
ISA PANG BIDA: (busy busihan sa pagscan at pagtype ng boarding pass) Hindi naman ako galit.(Medyo malakas na ang pagsagot at halata sa mukha nya na naiinis at nakasimangot na)
AKO: Ah hindi ba. Medyo lumalakas na kasi yung boses mo(Mahinahon pa rin pero seryoso)
Hindi mo ba naririnig ang boses mo. Ano pangalan mo?(pinakita sa kin ang ID(Eto ang pangalan nya.
"JANE ALFARO") at nakita sa itsura nya na inis na inis na at pwedeng galit na rin.)
"JANE ALFARO") at nakita sa itsura nya na inis na inis na at pwedeng galit na rin.)
Ibinigay na skin ang boarding pass at passport ko.
At hindi na nakatingin sa akin at bad trip na bad trip na si “BIDA”.(Di ko alam kung bakit ganon siya, baka kasi naiisip nya kinuha ko ang pangalan nya. Hihihi)
At pumunta na ko sa boarding gate. Chinek na naman ang passport ko at boarding pass. Sumunod din doon si “BIDA” pero hindi na siya nag check ng passport, sa awa ng diyos tatlo silang nandoon pero ni isa sa kanila , walang nakangiti. Hihihi. Iniabot na uli sa akin ang Passport at Boarding Pass ko.
At malugod akong nag sabi sa kanila...
“SALAMAT PO”
At dito po nagtatapos ang aming munting Salaysay.
Paalala lang po: Sa lahat po ng serbisyo na pinupuntahan o ginagawa nyo. Wag nyo pong kakalimutang kuhanin ang mga pangalan na gumawa ng serbisyo sa inyo. Lahat po yan ay may ID at karapatan po natin yun bilang mga Customer na malaman ang pangalan nila telepono or personal na serbisyo.
“MARAMING SALAMAT PO SA PAGBABASA AT HUWAG PO TAYONG MATATAKOT DAHIL Kahit NAG-IISA LANG TAYO MALAKI PO ANG MAITUTULONG NATIN TUNGO SA MABUTING PAGBABAGO”
“LAHAT AY MAPAPAG USAPAN SA MAHINAHON NA PAMAMARAAN HINDI NATING KAILANGANG MAKIPAGSIGAWAN PARA TAYO’Y MAINTINDIHAN. “
“MULI MARAMING SALAMAT PO AT MABUHAY TAYONG MGA PILIPINO”