SOURCE: http://www.citizenservices.com.ph
Magpapabago ng Passport
Kung maari, i-xerox lahat ng origihinal na dokumento at mga IDs bago pumunta sa DFA sa araw ng iyong appointment.Brown na pasaporte na nakuha bago mag Mayo 1, 1995
- Lumang pasaporte at xeorx ng pahina 1,2,3,4 (pagpapalit ng apelyido). Mga pahina na nagpapakita ng pinakahuling tatak ng Bureau of Immigration mula sa huling alis at pagdating.
- Orihinal at lihitimong ID.
- Birth Certificate galing sa NSO na nasa Security Paper (SECPA).
- Negative Birth Record galing sa NSO kung pinanganak bago hanggang mag 1950 at Joint Birth Affidavit from Two Disinterested Persons; at pang suportang dokumento na nagpapakita ng kumpletong gitnang apelyido.
Berdeng pasaporte na nakuha noon at pagkatapos mag May 1, 1995
- Pasaporte ngayon at xerox ng pahina 1, 2, 3 (amendment) at huling pahina nito.
- Ang pahina na nagpapakita ng tatak ng Bureau of Immigration sa huling alis at dating ng bansa.
- Xerox ng Birth Certificate ng menor de edad na aplikante.
- Para sa hindi lihitimong anak na menor de edad, ang personal na pagsama ng nanay ay kailangan.
Machine Readable Passport (Maroon)
- Pasaporte passport and photocopy of pages 1, 2, 3 (amendment) and last page.
- Ang pahina na nagpapakita ng tatak ng Bureau of Immigration sa huling alis at dating ng bansa.
- Xerox ng Birth Certificate ng menor de edad na aplikante.
- Orihinal na Birth Certificate galing sa NSO na nasa Security Paper (SECPA) kung ang munisipalidad o probinsiya ng kapanganakan ay hindi nkalagay (EXAMPLE: NCR na dapat ay San Juan, Metro Manila)
- Para sa hindi lihitimong anak na menor de edad, ang personal na pagsama ng nanay ay kailangan.
Iba Pang Pangsuportang Dokumento
Paki dala ang mga sumusunod kung meron.- Marriage Contract
- PRC/ IBP ID
- Land Title
- Driver's Licaense
- Governemt Service Record
- Digitized SSS ID
- School Form 137 o Transcript of Records na may dry seal
- Iba pang dokumento na nagpapakita ng buong pangalan, detalye ng kapanganakan ng aplikante kung may detalye ng pagkapilipino ay mas mabuti
- Voter's Registration Record na galing sa COMELEC Intramuros
- Baptismal Certificate na may dry seal
- Seaman's Book
- Income Tax Return (Luma)
Kung nais ninyong gamitin ang apelyido ng asawa
- Marriage Contract (MC) na nasa Security Paper (SECPA) issued by NSO and Certified True Copy na galing sa Local Civil Registrar kung ang MC SECPA ay hindi mabasa.
- Certificate of Attendance galing sa CFO (Commission of Filipino Overseas) kung kasal sa banyaga (kulay berde).
Kung gustong gamitin muli ang apelyido sa pagkadalaga
Paki dala din ang mga sumusunod:- Birth Certificate (BC) na nasa Security Paper (SECPA) na galing sa National Statistics Office (NSO) o Certified True Copy (CTC) ng BC galing sa Local Civil Registrar (LCR) at awtentikado ng NSO.
- Death Certficate ng namatay na asawa at Marriage Certificate (MC) na nasa Security Paper na galing sa NSO o kaya ay sa Local Civil Registry na awtentukado ng NSO.
- Kung ang kasal ay Annulled: Certificate True Copy at xerox ng unang pahina at ng dispositive portion of the judgment ng annulment at Marriage Certificate galing sa NSO na may anotasyon ng annulment.
- Kung divorced: Certified True Copy at xerox ng unang pahina at ang dispositive portion of the judgment ng divorce na awtentikado ng Embahada o Konsulado General ng Pilipinas kung saan nangyari ang divorce at Marriage certificate na naggaling sa NSO na may anotasyon ng divorce.
Menor de Edad na Aplikante
Lehitimong anakAalis kasama ang parehong magulang:
- Pasaporte ng parehong magulang, orihinal at xerox
- Orihinal na Birth Certificate na galing sa NSO at nasa SECPA.
- Personal na pagpunta ng menor de edad at alin man sa magulang.
- Kung ang tatay ang kasama ng bata, magdala ng Marriage Certificate na nasa SECPA.
- Kung ang nanay ang kasma ng bata, hindi na kailangan ang Marriage Certificate na nasa SECPA.
Aalis kasama ang nanay lamang:
- Pasaporte ng nanay, orihinal at xerox.
- Orihinal na Birth Certificate na galing sa NSO na nasa SECPA.
- Personal na pagpunta ng menor de edad at alin man sa magulang.
- Kung ang tatay ang kasama ng bata, magdala ng Marriage Certificate na nasa SECPA..
- Kung ang nanay ang kasama ng bata, hindi na kailangan ang Marriage Certificate na nasa SECPA.
Aalis kasama ang tatay lamang:
- Pasaporte ng tatay, orihinal at xerox.
- Mariage Certificate ng magulang galing sa NSO na nasa SECPA.
- Orihinal na Birth Certificate galing NSO na nasa SECPA.
- Personal na pagpunta ng menor de edad at alin man sa magulang.
Aalis kasama ang tagapag-alaga lamang at ang mga magulang ay nasa Pilipinas lamang:
- Pasaporte ng tagapag-alaga.
- Orihinal na Birth Certificate galing NSO na nasa SECPA.
- Orihinal at xerox ng DSWD Clearance.
- Affidavit of Support and Consent na naglalaman ng pangalan at relasyon ng bata sa tagapag-alaga. (Kaylangang naka-notaryo)
- Dalhin ang pasaporte o orihinal na ID na may lagda ng magulang na nagpagawa ng affidavit.
- Kung ang tatay ang lumagda, magdala ng Marriage Certificate na nasa SECPA.
- Personal na pagpuntang menor de edad at alin man sa magulang.
- Valid ID ng magulang na kasama ng anak.
- Kung ang tatay ang kasama ng bata, magdala ng Marriage Certificate in SECPA..
- Kung ang nanay ang kasama ng bata, hindi na kailangan ang Marriage Certificate na nasa SECPA.
Aalis kasama ang tagapag-alaga lamang at ang mga magulang ay wala sa Pilipinas:
- Pasaporte ng tagapag-alaga, orihinal at xerox.
- Orihinal na Birth Certificate galing NSO na nasa SECPA.
- Orihinal at xerox ng DSWD Clearance.
- Affidavit of Support and Consent na nakalagay ang pangalan ng kasamang umalis at ang relasyon nito sa bata. (Kailangan ito ay awtentikado ng pinakamalapit na Embahada o Konsulado General ng Pilipinas)
- Kung ang ama ang gumawa, magdala din ng Marriage Certificate na nasa SECPA.
- Special power of Attorney kung saan nakasaad ang pangalan ng kinatawan at pinahihintulutan siyang mag-aplay ng pasaporte sa ngalan ng bata. (Kailangan ito ay awtentikado ng pinakamalapit na Embahada o Konsulado General ng Pilipinas)
- Certified True Copy ng pasaporte ng magulang. (Kailangan ito ay awtentikado ng pinakamalapit na Embahada o Konsulado General ng Pilipinas)
- Orihinal at lihitimon ID na may prima o pasaporte ng taong nakapangalan sa Special power of Attorney.
- Personal na pagpunta ng bata at taong otorisadong kinatawan sa Special Power of Attorney.
Di-lihitimong anak
Aalis kasama ang nanay lamang:
- Pasaporte ng nanay, orihinal at xerox.
- Orihinal na Birth Certificate mula NSO na nasa SECPA.
- Personal na pagpunta ng bata kasama ang nanay.
Aalis kasama ang tatay lamang:
- Pasaporte ng tatay, orihinal at xerox.
- Affidavit of Support and Consent mula sa nanay. (Kailangang naka-notaryo)
- Orihinal at xerox ng DSWD Clerance.
- Affidavit of Support and Consent na nakalagay ang pangalan at relasyon ng tagapag-alaga.
- Pasaporte o orihinal na ID na may pirma ng ina na nagpagawa ng affidavit.
- Personal appearance of minor with mother with valid ID or passport.
Aalis kasama ang tagapag-alaga lamang at ang nanay ay wala sa Pilipinas:
- Pasaporte ng tagapag-alaga, orihinal at xerox.
- Xerox ng Birth Certificate mula sa NSO in SECPA.
- Orihinal at xerox ng DSWD Clearance.
- Affidavit of Support and Consent na nakalagay ang pangalan ng kasama sa byahe at ang relasyon nito sa bata. (Kailangan ito ay awtentikado ng pinakamalapit na Embahada o Konsulado General ng Pilipinas)
- Special Power of Attorney na nakalagay ang pangalan ng pinagkakaitawalaang tao na samahan ang anak sa pagaaplay ng pasaporte kapalit ng magulang. (Kailangan ito ay awtentikado ng pinakamalapit na Embahada o Konsulado General ng Pilipinas)
- Certified True Copy ng pasaporte ng magulang. (Kailangan ito ay awtentikado ng pinakamalapit na Embahada o Konsulado General ng Pilipinas)
- Orihinal ta lihitimong ID na may lagda o pasaporte ng taong otorisado na nakalagay sa Special Power of Attorney.
- Personal na pagpunta ng menor de edad at taong otorisado na nakalagay sa Special Power of Attorney.
Para sa mga di-lihitimong nak na naging lihitimo sa pamamagitan ng kasal, dalhin ang mga sumusunod na KARAGDAGANG dokumento:
- Marriage Certificate galing ng NSO na nasa SECPA.
- Birth Certificate galing ng NSO na mayanotasyon ng pagiging lihitimong anak.
Kung ikaw ay isang Muslim na ang kapanganakan ay hindi nakarehistro:
Pakidala lang ang mga sumusunod:- Late registered na Birth Certificate (BC) na nasa Security Paper (SECPA) galing sa National Statistics Office (NSO).
- Orihinal at xerox ng Voter's Affidavit o ibang pangsuportang dokumento na naglalaman ng araw at lugar ng kapanganakan at pagkapilipino, pagkakakilanlan at pagkamuslim.
- Sertipikasyon mula sa Opisina ng Muslim Affairs (OMA).
Kung ikaw ay nagpalit ng relihiyon upang maging Muslim:
Pakidala lang ang mga sumusunod:- Birth Certificate (BC) na nasa Security Paper (SECPA) na may anotasyon ng pagiging Muslim.
- Court Order na nagpapatunay ng pagpapalit ng pangalan.
- Shari'ah Court Order.
- Sertipikasyon ng OMA sa pagpapalit ng relihiyon.