SOURCE: http://www.citizenservices.com.ph
Kung ang pasaporte ay nawawala
Kung maari, i-xerox lahat ng origihinal na dokumento at mga IDs bago pumunta sa DFA sa araw ng iyong appointment.- Parehong requirements ng bagong aplikante at:
- Affidavit of Explanation na nakanotaryo.
- Police Report kung ang nawawalang pasaporte ay valid pa.
- Karagdagang bayad na Php 200 kung ang pasaporte ay valid.
NSO Birth Certificate
Birth Certificate (BC) na nasa security paper (SECPA) na nanggaling sa National Statistics Office (NSO) o kaya Certified True Copy (CTC) ng BC na nanggagling sa Local Civil Registrar na awtenikado ng NSO depende sa nakaprima; Sa mga ipinanganak ng 1950 pababa, Negatibong Birth Record galing sa NSO at Joint Birth Affidavit from Two Disinterested Persons kung walang record sa NSO.Tumawag sa (02) 737-1111 para sa inyong NSO Birth Certificate o kaya'y magpunta sa www.birthcertificates.com.ph para sa live web chat.
Orihinal na ID na may bisa pa
Orihinal na ID tulad ng: Senior Citizen's ID, Voter's ID, digitized IDs na naggaling sa gobyerno tulad ng SSS, PRC, BIR, Driver's License, orihinal na ID na pangeskwelahan (para lamang sa estudyante) at orihinal na pang suportang dokumento na naglalaman ng inyong buong pangalan, petsa at lugar ng kapanganakan at pagkapilipino.Kung ang iyong Birth Certificate ay Late Registered
- Kung ikaw ay narehistro ng 2000 o bago mag 2000: Magdala ng 1 orihinal na dokumento na nagpapakita ng buong pangalan, petsa at lugar ng kapanganakan at pagkapilipino na mas nauna sa araw ng pagkakarehistro.
- Kung ikaw ay narehistro ng 2001 hanggang sa kasalukuyan: Magdala ng 2 orihinal na dokumento na nagpapakita ng buong pangalan, petsa at lugar ng kapanganakan at pagkapilipino na mas nauna sa araw ng pagkakarehistro.
Certified True Copy ng Birth Certificate
Certified True Copy (CTC) ng BC na nanggaling sa Local Civil Registrar na may dry seal kung ang BC SECPA ay hindi mabasa.Marriage Certificate ng Magulang na nasa SECPA
MC SECPA ng magulang kung ang apelyido ng tatay o nanay ay tunog banyaga. (tulad ng Chua, Ong, atpb.)Tumawag sa (02) 737-1111 para sa inyong NSO Marriage Certificate o kaya'y magpunta sa www.birthcertificates.com.ph para sa live web chat.
Iba Pang Pangsuportang Dokumento
Paki dala ang mga sumusunod kung meron.- Marriage Contract
- Land Title
- Driver's License
- Government Service Record
- School Form 137 o Transcript of Records na may dry seal
- Iba pang dokumento na nagpapakita ng buong pangalan, detalye ng kapanganakan ng aplikante kung may detalye ng pagkapilipino ay mas mabuti
- Voter's Registration Record na galing sa COMELEC Intramuros
- Baptismal Certificate na may dry seal
- Seaman's Book
- Income Tax Return (Luma)
- NBI Clearance
Kung nais ninyong gamitin ang apelyido ng asawa
- Marriage Contract (MC) na nasa Security Paper (SECPA) issued by NSO and Certified True Copy na galing sa Local Civil Registrar kung ang MC SECPA ay hindi mabasa.
- Certificate of Attendance galing sa CFO (Commission of Filipino Overseas) kung kasal sa banyaga (kulay berde).
- Magdala ng Certificate of No Marriage (CENOMAR) galing sa NSO na nasa SECPA at Affidavit of Explanation.
- Kung napatunayan sa NSO na ikaw ay may kasal(negatibong resulta ng CENOMAR), maaaring gamitin ang apleyido ng asawa.
- Ngunit kung positibo ang resulta ng CENOMAR, hindi pwedeng gamitin and apelyido ng asawa.
Tumawag sa (02) 737-1111 para sa inyong NSO Birth Certificate o kaya'y magpunta sa www.birthcertificates.com.ph para sa live web chat.
Kung gustong gamitin muli ang apelyido sa pagkadalaga
Paki dala din ang mga sumusunod:- Death Certficate ng namatay na asawa at Marriage Certificate (MC) na nasa Security Paper na galing sa NSO o kaya ay sa Local Civil Registry na awtentukado ng NSO
- Kung ang kasal ay Annulled: Certificate True Copy at xerox ng unang pahina at ng dispositive portion of the judgment ng annulment at Marriage Certificate galing sa NSO na may anotasyon ng annulment.
- Kung divorced: Certified True Copy at xerox ng unang pahina at ang dispositive portion of the judgment ng divorce na awtentikado ng Embahada o Konsulado General ng Pilipinas kung saan nangyari ang divorce at Marriage certificate na naggaling sa NSO na may anotasyon ng divorce.
Menor de Edad na Aplikante
Lehitimong anak
Aalis kasama ang parehong magulang:
- Pasaporte ng parehong magulang, orihinal at xerox.
- Orihinal na Birth Certificate na galing sa NSO at nasa SECPA.
- Personal na pagpunta ng menor de edad at alin man sa magulang.
- Kung ang tatay ang kasama ng bata, magdala ng Marriage Certificate na nasa SECPA.
- Kung ang nanay ang kasma ng bata, hindi na kailangan ang Marriage Certificate na nasa SECPA.
- Pasaporte ng nanay, orihinal at xerox.
- Orihinal na Birth Certificate na galing sa NSO na nasa SECPA.
- Personal na pagpunta ng menor de edad at alin man sa magulang.
- Kung ang tatay ang kasama ng bata, magdala ng Marriage Certificate na nasa SECPA.
- Kung ang nanay ang kasama ng bata, hindi na kailangan ang Marriage Certificate na nasa SECPA.
- Pasaporte ng tatay, orihinal at xerox.
- Mariage Certificate ng magulang galing sa NSO na nasa SECPA.
- Orihinal na Birth Certificate galing NSO na nasa SECPA.
- Personal na pagpunta ng menor de edad at alin man sa magulang.
- Pasaporte ng tagapag-alaga.
- Orihinal na Birth Certificate galing NSO na nasa SECPA.
- Orihinal at xerox ng DSWD Clearance.
- Affidavit of Support and Consent na naglalaman ng pangalan at relasyon ng bata sa tagapag-alaga. (Kaylangang naka-notaryo)
- Dalhin ang pasaporte o orihinal na ID na may lagda ng magulang na nagpagawa ng affidavit.
- Kung ang tatay ang lumagda, magdala ng Marriage Certificate na nasa SECPA.
- Personal na pagpuntang menor de edad at alin man sa magulang.
- Valid ID ng magulang na kasama ng anak.
- Kung ang tatay ang kasama ng bata, magdala ng Marriage Certificate in SECPA.
- Kung ang nanay ang kasama ng bata, hindi na kailangan ang Marriage Certificate na nasa SECPA.
- Pasaporte ng tagapag-alaga, orihinal at xerox.
- Orihinal na Birth Certificate galing NSO na nasa SECPA.
- Orihinal at xerox ng DSWD Clearance.
- Affidavit of Support and Consent na nakalagay ang pangalan ng kasamang umalis at ang relasyon nito sa bata. (Kailangan ito ay awtentikado ng pinakamalapit na Embahada o Konsulado General ng Pilipinas)
- Kung ang ama ang gumawa, magdala din ng Marriage Certificate na nasa SECPA.
- Special power of Attorney kung saan nakasaad ang pangalan ng kinatawan at pinahihintulutan siyang mag-aplay ng pasaporte sa ngalan ng bata. (Kailangan ito ay awtentikado ng pinakamalapit na Embahada o Konsulado General ng Pilipinas)
- Certified True Copy ng pasaporte ng magulang. (Kailangan ito ay awtentikado ng pinakamalapit na Embahada o Konsulado General ng Pilipinas)
- Orihinal at lihitimon ID na may prima o pasaporte ng taong nakapangalan sa Special power of Attorney.
- Personal na pagpunta ng bata at taong otorisadong kinatawan sa Special Power of Attorney.
Aalis kasama ang nanay lamang:
- Pasaporte ng nanay, orihinal at xerox.
- Orihinal na Birth Certificate mula NSO na nasa SECPA.
- Personal na pagpunta ng bata kasama ang nanay.
- Pasaporte ng tatay, orihinal at xerox.
- Affidavit of Support and Consent mula sa nanay. (Kailngang naka-notaryo)
- Orihinal na Birth Certificate mula sa NSO na nasa SECPA.
- Personal na pagpunta ng bata kasama ang nanay at may dalang lihitimong ID o pasaporte.
- Orihinal at xerox ng DSWD Clearance.
- Pasaporte ng tagapag-alaga, orihinal at xerox.
- Orihinal na Birth Certificate mula sa NSO na nasa SECPA.
- Orihinal at xerox ng DSWD Clerance.
- Affidavit of Support and Consent na nakalagay ang pangalan at relasyon ng tagapag-alaga.
- Pasaporte o orihinal na ID na may pirma ng ina na nagpagars ng affidavit.
- Personal na pagpunta ng bata kasama ang nany at may dalang lihitimong ID o pasaporte.
- Pasaporte ng tagapag-alaga, orihinal at xerox.
- Orihinal na Birth Certificate mula sa NSO in SECPA.
- Orihinal at xerox ng DSWD Clearance.
- Affidavit of Support and Consent na nakalagay ang pangalan ng kasama sa byahe at ang relasyon nito sa bata. (Kailangan ito ay awtentikado ng pinakamalapit na Embahada o Konsulado General ng Pilipinas)
- Special Power of Attorney na nakalagay ang pangalan ng pinagkakaitawalaang tao na samahan ang anak sa pagaaplay ng pasaporte kapalit ng magulang. (Kailangan ito ay awtentikado ng pinakamalapit na Embahada o Konsulado General ng Pilipinas)
- Certified True Copy ng pasaporte ng magulang. (Kailangan ito ay awtentikado ng pinakamalapit na Embahada o Konsulado General ng Pilipinas)
- Personal na pagpunta ng menor de edad at taong otorisado na nakalagay sa Special Power of Attorney.
- Marriage Certificate galing ng NSO na nasa SECPA.
- Birth Certificate galing ng NSO na mayanotasyon ng pagiging lihitimong anak.
Kung ikaw ay isang Muslim na ang kapanganakan ay hindi nakarehistro:
Pakidala lang ang mga sumusunod:- Late registered na Birth Certificate (BC) na nasa Security Paper (SECPA) galing sa National Statistics Office (NSO).
- Orihinal at xerox ng Voter's Affidavit o ibang pangsuportang dokumento na naglalaman ng araw at lugar ng kapanganakan at pagkapilipino, pagkakakilanlan at pagkamuslim.
- Sertipikasyon mula sa Opisina ng Muslim Affairs (OMA).
Kung ikaw ay nagpalit ng relihiyon upang maging Muslim:
Pakidala lang ang mga sumusunod:- Birth Certificate (BC) na nasa Security Paper (SECPA) na may anotasyon ng pagiging Muslim.
- Court Order na nagpapatunay ng pagpapalit ng pangalan.
- Shari'ah Court Order.
- Sertipikasyon ng OMA sa pagpapalit ng relihiyon.